top of page

Gusto lang daw siyang ipagmalaki ng ina… KAILA, AYAW PUMAYAG NA MAS MAGALING SIYANG UMARTE KAY JANICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 16, 2025



Kaila at janice / IG

Photo: Kaila at janice / IG



KAHIT kaliwa’t kanan na ang pumupuri sa husay umarte ng aktres na si Kaila Estrada, sinasabi pa rin niyang hindi pa rin niya kayang tapatan ang mom niyang si Janice de Belen.


Sa nakaraang mediacon ng What Lies Beneath (WLB) kung saan gaganap si Kaila bilang abogadang si Erica sa serye na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, hiningan siya ng reaksiyon sa sinabi ng nanay niyang si Janice de Belen na mas magaling siyang umarte rito, lalo na sa seryeng Incognito kung saan nagpakita siya ng husay sa aksiyon at drama.


Naaliw kami dahil nanlaki ang mabibilog na mata ng aktres. 

Sey niya, “She (Janice) said that? Thanks, Mom! I disagree. I feel like my parents, gusto lang nilang ipagmalaki ang mga anak nila.”

Nasambit pa ni Kaila na living legend ang ina.


“I look up to her in all the aspects of my life, not just her as an artista. Having said that, nandito rin ako para ipagmalaki s’ya, and I’m so proud to be her daughter. I’m so proud of what she has achieved. I only wish to achieve half of that,” pagmamalaki ng dalaga sa kanyang mom.


Habang pinagmamasdan namin ang cast ng WLB na nakaupo sa harapan ng media na kinabibilangan nina Jake, Kaila, Janella Salvador, Charlie Dizon, Sue Ramirez, JM De Guzman, Jameson Blake, Yves Flores at Race Matias, napapailing kami dahil ang gagaling ng mga artistang ito. 


Nagkaroon na sila ng kani-kanilang solo projects at heto, pinagsama-sama sila sa seryeng mapapanood na sa Oktubre 17 sa Netflix, Oktubre 18 sa iWant, at Oktubre 20 sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Tsika ni Kaila sa bago nilang project, “I feel like because this show is all about seeking truth and seeking justice, it’s also the result of that, of being able to find that.

“And I feel like it is being led by four strong women that have different personalities and are in different walks of life, I feel like that is such a strong sentiment as well as to what we’re saying about womanhood also.”


Nagkuwento ang mga female stars ng serye na sina Kaila, Sue, Charlie at Janella na nahirapan silang umarte hindi dahil nagsasapawan sila kundi dahil puro sila tawanan sa kuwentuhan, na parang naglalaro lang sila sa set.


Kaya pati ang mga direktor na sina Froy Allan P. Leonardo at Dado Lumibao ay hindi rin mapigilan ang tawa. 


Pero dahil trabaho ito, ang mga aktres na rin mismo ang nagsabi sa sarili nilang kailangan na nilang magseryoso.


Ang mga male actors naman na sina Jake, Race, Yves, Jameson at JM ay natutuwa sa magandang bonding nilang lahat sa set na talagang magkakaibigan sila.



OPISYAL nang naglunsad ng bagong strategic partnership ang QCinema International Film Festival (QCinema) at ang Film Academy of the Philippines (FAP) para palakasin ang suporta sa mga programa sa industriya ng pelikula.

Kamakailan ay nagpulong sina FAP Director-General Paolo Villaluna, QCinema Industry Head Liza Diño, QCinema Film Foundation President Manet Dayrit, at QCinema Artistic Director Ed Lejano upang talakayin ang isang shared vision para sa collaboration at capacity-building sa local film sector.


Ang pangunahing highlight ng partnership ay ang suporta sa pagpopondo ng FAP para sa QCinema 2025, na kinabibilangan ng mga kontribusyon sa festival programming at residency programs na humahasa sa kakayahan ng umuusbong na talentong Pilipino.


“Dahil sa tumataas na kontribusyon ng sinehan sa Pilipinas sa pandaigdigang komunidad ng pelikula, ang paglalagay ng mga inisyatiba na nagtutulak ng propesyonal na pag-unlad at edukasyon sa pelikula ay mahalaga.

“Para maipakita ng aming local screen talent ang kanilang kakayahan sa bansa at higit pa, kailangan nating pangalagaan ang kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon. Ito ang dahilan sa likod ng ating strategic partnership,” pahayag ni Ms. Liza Diño.


Ang pakikipagtulungan ay aabot din sa isa sa QCinema Industry 2025’s programs — ang Asian Next Wave Film Forum (ANWFF). Ang Direktor-Heneral na si Villaluna, kasama ang mga pinuno mula sa iba't ibang mga guild ng pelikula sa Pilipinas, ay lalahok sa mga panel ng industriya ng forum at mga roundtable na talakayan, na magbibigay ng institutional na insight sa kasalukuyang tanawin ng Philippine cinema at regional cooperation sa Southeast Asia.


Bilang bahagi ng patuloy na partnership, magho-host ang FAP ng isang nakatalagang gabi sa QCinema 2025 sa Nobyembre 18, na tinatawag na FAP Night. Ang kaganapan ay magsisilbing opisyal na pagpapakilala sa mga inisyatiba ng FAP, kabilang ang mga programa mula sa mga kaakibat na guild ng pelikula, at magbibigay ng plataporma upang ipagdiwang ang mga propesyonal sa industriya sa lahat ng disiplina.


Ang QCinema Industry 2025 ay magaganap mula Nobyembre 18-23, 2025.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page