top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gusali, gumuho, 3 nadale sa Malabon City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 4, 2022



Sugatan habang nasagip ang tatlong indibidwal matapos na isang four-storey residential building ang gumuho sa Malabon City, ngayong Linggo ng umaga.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-7:00 ng umaga nang mag-collapse ang nasabing gusali na matatagpuan sa Orchid Street sa Barangay Longos.


Kinilala ang mga biktima na sina Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon.


Agad namang binigyan ng medical treatment ng mga kawani ng Philippine Red Cross ang mga biktima.


Si Ronalyn, ang huling na-rescue ng mga awtoridad mula sa gumuhong gusali.


Sa salaysay ng mga biktima, naramdaman muna nila ang pag-uga ng lupa bago naganap ang insidente.


Batay sa isang follow-up report ng GMA News, ang lugar kung saan matatagpuan ang gusali ay dati umanong sapa at natatabunan ito ng tambak na mga basura.


Ayon pa sa mga awtoridad, pitong iba pang pamilya sa paligid ng gusali ang posibleng ilikas na para na rin sa kanilang kaligtasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page