top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Guo, nasa 'Pinas pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 15, 2024
1 min read

by Angela Fernando @News | July 15, 2024



File photo

Sinabi ng kanyang abogado nitong Lunes na si Alice Guo, ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac, ay nasa 'Pinas pa rin habang sinusubukan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado na hanapin at arestuhin siya.


“Nakausap ko siya kahapon pero hindi ko alam kung saan siya. Pero 100% nasa Pilipinas siya. 'Yun ang sinabi niya sa akin,” saad ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David. Ayon sa abogado, kinumpirma sa kanya ni Guo na hindi ito makakalabas ng bansa dahil may lookout order ito.


Binigyang-diin din ni David na pinayuhan niya si Guo na dumalo sa imbestigasyon ng Senado ngunit tumanggi ang suspendidong alkalde dahil sa kanyang pisikal at emosyonal na kalagayan matapos na matrauma mula sa pagdinig.


Gayunpaman, hindi na raw magiging epektibong resource person si Guo para sa pagdinig ng Senado, ayon sa abogado, dahil sa panganib ng self-incrimination lalo na't may criminal cases na naisampa laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page