top of page

Guo, nasa Indonesia na — BI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | August 20, 2024



Showbiz News
Photo: Alice Guo / Senate PH

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na ang napatalsik na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo ay kasalukuyang nasa Indonesia, halos isang buwan matapos siyang umalis mula sa 'Pinas.


Sinabi ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval na nagbiyahe si Guo patungong Malaysia mula sa Pilipinas nu'ng Hulyo 16, at dumating sa Indonesia mula Singapore nu'ng Agosto 18.


"Sa atin pong pagbantay sa mga counterpart intelligence information, nalaman natin nasa Indonesia ngayon.


Tumawid siya from Singapore the other day, August 18," saad ni Sandoval. Ayon kay Sandoval, tinitingnan ngayon ng BI ang mga naging galaw ni Guo upang matukoy kung sino ang mga taong nasa likod ng kanyang pagbiyahe.


Hindi rin isinasantabi ng ahensya ang posibilidad na may ilang opisyal ng immigration na tumulong sa alkalde. Matatandaang isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros nitong Lunes na si Guo, na nakilala rin bilang Chinese citizen na si Guo Hua Ping, ay umalis ng bansa nu'ng Hulyo 18 papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page