top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gunman umano, sumurender… P550K, palit-buhay ni Percy Lapid

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | October 18, 2022



Sumuko sa pulisya ang umano’y gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ngayong Martes.


“Ngayong umagang ‘to, gusto ko lang ikumpirma na nasa kustodiya na ng PNP itong suspek na ang pangalan ay Joel Estorial. Siya ay of course taga-Quezon City,” pahayag ni Abalos sa isang press conference.


“Ang initial report ay siya ay sumurrender out of fear for personal safety dahil natakot siya sa kanyang safety niya dahil pagkatapos ilabas sa publiko ang kanyang mukha,” dagdag ni Abalos.


Ayon kay Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Kirby Kraft, si Estorial ay sumuko sa mga awtoridad nitong Lunes.


Sinabi naman ni Estorial na nagawa niya ang naturang krimen dahil umano sa kahirapan, kung saan aniya, siya at kanyang mga kasamahan ay binayaran umano ng kabuuang P550,000 halaga para sa buhay ni Percy Lapid.


“Nadala lang po ako ng kahirapan. Wala po kasi akong trabaho sir, nakuan lang po ako sa pera,” saad ni Estorial nang iprinisinta na siya sa media ni Abalos ngayong Martes.


Paliwanag ni Estorial, siya, kasama ang 3 pang suspek at mga kasabwat umano mula sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ay binayaran ng kabuuang halaga.


Ayon pa kay Estorial, umabot sa P140,000 ang kanyang parte, na aniya, na-wired sa kanyang bank account.


Humingi naman siya ng kapatawaran sa pamilya ni Lapid para sa pagkakasangkot niya sa pagpatay sa broadcaster.


“Sana po, mapatawad po ako nila. Hindi ko naman kagustuhan iyon,” pahayag ni Estorial.


Kahapon, boluntaryong sumurender si Estorial sa mga awtoridad na ayon kay Abalos walang pumuwersa sa kanya para sumuko habang nag-file na rin siya ng extrajudicial confession sa harap ng kanyang abogado.


Unang sinabi ni Estorial na pinilit umano siyang patayin si Lapid na aniya, “or be killed.”


Nagpasalamat naman ang pamilya ni Lapid sa Philippine National Police (PNP) para sa bagong development ng kaso ng pagpatay sa broadcaster.


“We hope this development leads to the identification, arrest and prosecution of the mastermind,” sabi ng pamilya ni Lapid sa isang statement.


“We hope Percy does not become part of the statistics and continue to clamor for justice for Percy and the nearly 200 journalists killed since 1986,” dagdag pa nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page