Gun owner na atras maging military reservist, tanggalan ng lisensya
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 9, 2023
PAKINGGAN KAYA NI P-BBM ANG PANAWAGAN NG KANYANG ATE IMEE AT BEST FRIEND SARA NA HUWAG NANG MAKIPAG-PEACE TALK SA MGA KOMUNISTA? -- Pumanig si presidential sister, Sen. Imee Marcos sa panawagan ni Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na huwag nang ituloy ng gobyerno ang peace talks sa mga komunista.
Pakinggan kaya ni P-BBM ang panawagang ito nina Sen. Imee at VP Sara na kapwa malapit sa kanyang puso bilang kapatid at best friend? Abangan!
◘◘◘
TAMA SI SEN. BONG GO, DAPAT MAS PALAKASIN PA ANG PROGRAMA NG NTF-ELCAC PARA MARAMING SUMUKONG KOMUNISTA -- Nanawagan si Sen. Bong Go sa gobyerno na mas palakasin pa ang National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Mabuti ang panawagang ‘yan ni Sen. Bong Go para mas dumami pang komunista ang sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan, period!
◘◘◘
ANG LICENSED GUN OWNERS NA AAYAW MAG-MILITARY RESERVIST TANGGALAN NG GUN LICENSE -- Nais nina Sen. Ronald Dela Rosa at Sen. Mark Villar na gawing military reservist ang lahat ng private citizens na licensed gun owners sa bansa para madagdagan ang puwersang militar ng Pilipinas at makatulong ng active military personnel kontra Chinese military sakaling lumala ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Mainam ang panukalang ‘yan at ang sinumang aayaw na maging military reservist ay tanggalan ng lisensya sa baril, boom!
◘◘◘
BILANG PAMASKO SA PINOY, DAPAT PULOS OIL PRICE ROLLBACK AT WALA NA MUNANG OIL PRICE HIKE -- Nagkaroon ng rollback sa mga produktong petrolyo, nabawasan ng P1.73 ang kada litro ng diesel, P1.57 sa kada litro ng gasolina at P1.06 sa kada litro ng kerosene.
Sana, ngayong panahon ng Kapaskuhan ay pulos rollback na lang ang ianunsyo ng gobyerno at huwag nang payagang mag-oil price hike ang mga oil company bilang pamasko ng pamahalaan sa sambayanang Pinoy, please lang!





Comments