top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gumagawa pa raw ng fan account… ANDREA, AMINADONG NAKIKIPAGSAGUTAN SA MGA BASHERS PARA KAY KYLIE MINOGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 16, 2026



FRANKLY - ANDREA, AMINADONG NAKIKIPAGSAGUTAN SA MGA BASHERS PARA KAY KYLIE MINOGUE_IG _blythe

Photo: IG _blythe



Isa si Andrea Brillantes sa mga artistang napakarami ring iniidolong international singers at groups. Aminado naman siya na isa siyang fangirl.


Isa sa mga alam ng lahat na iniidolo niya ay ang K-pop group na BTS. Fan din siya nina Olivia Rodrigo, Ariana Grande at Kylie Minogue, at aminadong ginagawa niya ang iba’t ibang paraan para maipakita ang kanyang suporta sa mga ito.


Sa panayam sa isang vlog recently, ibinahagi ng aktres ang kanyang fangirling experiences, kabilang ang pagpunta sa concerts, pagpila para makabili ng tickets, at pagsuporta sa kanyang mga paboritong singers at grupo.


“Naghihintay ako, nakatayo ako. Ang dami ko ngang privilege na puwede kong i-abuse pa, ‘di ko ginagawa kasi fan talaga ako. Willing naman akong pumila kung kaya ko. Kung buong araw ‘yun na libre lang (ako) for that concert, gagawin ko,” aniya.


Madalas daw siyang akusahan na ginagamit ang kanyang clout o pagiging artista para maka-secure ng tickets. Pero paliwanag niya, binibili niya ang mga tickets na iyon at masuwerte lang siya na nakakakuha siya ng front seats.


“Ako po ‘yung tipong gumagastos, ako ‘yung tipong gumagawa pa ng fan accounts, pero before ‘yun, mayroon talaga akong mga fan accounts before,” sey niya.


Mayroon daw siyang fan accounts nina Ariana Grande at BTS noon.

“Tapos, bumoboto pa talaga ako sa mga awards. Gumagawa rin ako ng mga edits, picture edits,” sey niya.


Sa sobrang pagka-fangirl niya, sumasagot pa siya sa mga bashers ng kanyang mga idols.

“Kay Kylie (Minogue), sasagot ako talaga. Dati, sumasagot ako talaga sa mga namba-bash sa kanila. Sa bashers ko, hindi. Pero sa mga namba-bash sa mga idols ko, sasagutin ko talaga sila,” tsika niya.


Hindi lang iyon, ipinagdarasal pa raw niya ang kanyang mga idols, lalo na kapag may pinagdaraanan silang pagsubok. Hinihiling niya kay Lord na bigyan sila ng lakas para malampasan ang problema.


Ang mga idolo niyang ito ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon, at marami rin daw siyang natututunan sa mga ito.





ISANG bagong kabanata sa Philippine theater ang magsisimula sa paglulunsad ng Puregold Teatro Panalo, isang makasaysayang festival na naglalayong bigyang-buhay ang talento, creativity at makukulay na kuwento ng mga Filipino playwrights mula sa iba't ibang panig ng bansa.


Matapos ang ilang buwang paghihintay at pananabik, opisyal nang inanunsiyo ang 12 finalists na napili mula sa kabuuang 373 submissions nationwide. 


Ang mga napiling obra ay binubuo ng walong straight plays at apat na musicals na inaasahang magdadala ng sariwa, makabuluhan, at makabagong mga kuwento sa entablado.


Ginanap ang special announcement event noong October 14 sa Cinema 16 ng Gateway Mall, kung saan personal na ipinakilala ang mga playwright na magiging bahagi ng kauna-unahang batch ng Puregold Teatro Panalo. 


Bilang pagkilala sa kanilang talento at malikhaing kontribusyon, bawat napiling playwright ay tumanggap ng P100,000 talent fee (TF).


Ayon kay Ivy Hayagan-Piedad, Festival Chair ng Puregold Teatro Panalo, naging malaking hamon ang pagpili sa 12 finalists dahil sa dami ng mahuhusay na kuwentong isinumite ng mga Filipino theater artists.


Ibinahagi niya na nakapagbibigay-inspirasyon ang masiglang partisipasyon ng mga storytellers mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ipinakita rin nito ang lawak ng talento at potensiyal ng Philippine theater, gayundin ang kahalagahan ng pagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga lokal na kuwentong maiparating sa mas malawak na audience.


Sa pamamagitan ng Puregold Teatro Panalo, layunin ng festival na mabigyan ng karampatang entablado ang mga bagong ideya at malikhaing pananaw ng mga playwright. 


Higit pa sa isang festival, nagsisilbi rin itong hakbang upang suportahan ang paglago ng teatro sa Pilipinas at palakasin ang koneksiyon ng mga artista at manonood sa pamamagitan ng live performances.


Narito ang 12 dulang napili para sa inaugural festival:

The Girl Scout Law — Rhain Arabella Alcoriza; True to Life — John ‘Sweet’ Lapus; Trahedya ng Kamote — Marjay S. Manalastas; The Boy Foretold By The Stars (One Act Play) — Dolly Dulu; Nothing But Dreams — Ricardo C. Novenario; Youngstunna — Jerom Andrei M. Canlas; Walang Maliit na Bagay — Joshua Lim So; @HOME — Edralin Cabrera, Kathlyn Castillo, Michael Ian Lomongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias, at J. Victor Villareal; Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista — Jude Thaddeus M. Gitamondoc; Baka Mali ang Tamaraw — Emmanuel Benbinuto Antonio; Manang-Mana Nga! — Steven Hotchkiss; at The Fourth Wall Has Fallen — Heber Justin P. O’Hara.


Sa pagpili sa mga dulang ito, binibigyang-diin ng Puregold Teatro Panalo ang kahalagahan ng storytelling bilang bahagi ng kulturang Pilipino. Bawat obra ay kumakatawan sa iba’t ibang creative voices, perspectives, at karanasang maaaring makaugnayan ng mga manonood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page