Gulo sa Middle East... P2 dagdag-presyo sa petrolyo
- BULGAR

- 4h
- 1 min read
by Mai Ancheta @Business News | March 4, 2026

Photo: FIle
Posibleng umakyat ng dagdag na dalawang piso ang presyo kada litro ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo kapag umakyat ng mula lima hanggang 10 dolyar ang taas per barrel sa crude oil mula sa kasalukuyang $72 per barrel.
Ito ang pagtaya ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad matapos ang airstrike sa Iran na nagresulta sa tensyon sa Middle East.
Ayon kay Abad, batay sa pagtaya ng mga analyst baka madagdagan ang presyo per barrel ng langis mula sa kasalukuyang presyo kung magpapatuloy ang tensyon sa Gitnang Silangan na pinakamalaking pinagmumulan ng supply ng langis.
“Kung aabutin natin iyong 10 US dollar, baka umabot pa tayo ng mga additional two pesos for the next few weeks,” ani Abad.
Pero nilinaw ni Abad na kung ang Iran lang ang maapektuhan na nagsu-supply ng 1.16% ng global supply, hindi masyadong nakakabahala kung magkaroon ng
pagkaantala sa oil export.
Pero ibang usapan na aniya kung ang buong Middle East producing countries ang maapektuhan lalo na kung magkaproblema sa Strait of Hormuz dahil 16 hanggang 17 percent ng pandaigdigang supply ang maapektuhan.
Dahil dito, sinabi ni Abad na nakabantay ang Department of Energy sa sitwasyon sa Middle East upang ma-update ang publiko sa epekto ng giyera sa supply ng langis.




Comments