top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Guidelines sa papayagang school activities, ire-release ng DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 27, 2022



Ipinahayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na maglalabas din ang ahensiya ng mga guidelines hinggil sa mga aktibidad na papayagang isagawa sa mga paaralan ngayong school year, habang ipinaalala niya sa mga guro na mag-focus sa academics upang makabawi na sa mga learning losses na idinulot ng pandemya.


“Meron tayong ilalabas na department order na nagsasabing dapat co-curricular at academic activities lang ang gagawin this school year. So, ang mga extra-curricular activities ay ipinagbabawal po natin,” saad ni VP Sara sa kanyang pagbisita sa Don Pedro Vasquez Memorial School in Jordan, Guimaras.


Tutukuyin ng naturang department order ang mga standards ng mga aktibidad na papayagang gawin para sa school year.


“Nilagay na po namin doon ang listahan paano tayo mag-identify ng extra-curricular at kung paano tayo mag-identify ng co-curricular,” pahayag ng DepEd chief.


Sinabi ni VP Sara na ipa-prioritize ng DepEd ang tinatawag na academic development ng mga estudyante, habang aniya, aalisin na ang ilang traditional school activities.


“...Kailangan nakatutok tayo sa academics ng ating mga estudyante to catch up on the learning losses during the two years na hindi sila nakapag-in-person classes dahil meron talagang kaibahan ang pure online na klase at ‘yung merong in-person classes para sa ating mga learners,” sabi ni VP Sara.


“Ngayong taon po wala tayong Palarong Pambansa pero sa susunod na taon gumagawa sila ng draft proposal para sa Palarong Pambansa,” aniya pa.


Sa kasalukuyan ang eskwelahan ay mayroong 11 guro at 293 estudyante. Ang kakulangan sa mga classroom ang isa sa mga pangunahing hamon ng paaralan para ma-accommodate ang kanilang mga estudyante.


Ayon kay VP Sara, “since the construction of classrooms is devolved to the local government units, DepEd is only permitted by the Department of Budget and Management to construct school buildings in 5th and 6th class municipalities, the last mile schools, and those belonging to the Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).”


Gayunman, aniya ang ahensiya ay nakikipag-usap na sa DBM para payagan ang DepEd na mag-implementa ng mga school constructions.


“Sinabi naman po namin sa kanila, naka-ilang sulat na po si Sec. [Leonor] Briones.


Sumulat na rin po ako sa kanila, iniulit ang position ng Department of Education na ‘wag i-devolve ang construction ng school building program sa ating mga LGUs dahil hindi pare-pareho ang kapasidad ng mga LGUs at hindi binigyan ng mandato ang mga LGUs na ‘yung matatanggap nila na pera ay dapat ipagawa nila ng school buildings,” paliwanag ni VP Sara.


“Patuloy naming kinakausap ang DBM at patuloy kaming nagre-request sa Office of the President na i-exclude ang school building program sa pagbigay nito sa mga LGUs para nandito pa rin sa Department of Education ang mga pagpapagawa ng classrooms sa lahat ng LGUs natin,” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page