Guest co-host, inayawan agad… MJ, 'DI MA-TAKE NG FANS NA KAPALIT NI MAINE SA EAT BULAGA!
- BULGAR
- Aug 19, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 19, 2021

Ipinakilala ng Eat...Bulaga! sina MJ Lastimosa at Kakai Bautista na new guest co-hosts ng noontime show.
Malinaw ang sinabing “guest co-hosts,” hindi permanente o hindi pa regular, kaya walang dapat ikabahala ang mga dating hosts na regular lumalabas na sila’y mapapalitan.
May mga nabasa kasi kaming comments ng fans ni Maine Mendoza na nagtatanong kung papalitan na ba ni MJ si Maine dahil ilang araw na raw na hindi nila napapanood si Maine.
Tuloy, may mga nagpahayag na ayaw nila kay MJ at si Maine lang ang gusto nila.
Baka naman may importante lang na ginawa si Maine o nag-taping ng #MaineGoals at iba pa niyang shows sa TV5 kaya absent.
Produced din ng APT Entertainment ang #MaineGoals kaya walang isyu rito kung i-prioritize muna nito ang iba niyang shows, tutal ay may iba pa namang hosts ang Eat... Bulaga!








Comments