Search
  • BULGAR

Guce, Philracom, Jockey of the Year

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 23, 2020



Inihayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) na nangungunang hinete sa bansa si Jockey Jessie B. Guce, na naging dahilan kung bakit siya itinanghal na Jockey of the Year ng taong 2020.

Si Jockey Guce,ay nakapagtala ng 109 na panalo sa loob ng 501 na laban sa loob ng isang taon noong 2019.

Bukod sa panalo siya ay nakapagtala ng 79 na segunda, 75 na tersera at 64 na 4th places. Kasama na rito ang malalaking karera na sinalihan sa bansa.

Pumangalawa si Jockey O.P Cortez na may 520 at nakapagtala ng 90 primero,88 ang segunda,69 na tersera at 60 na 4th place.

Pumangatlo si Jockey P.M Cabalejo na may 505 na sakay, 82 ang primero, 86 ang 2nd, 72 ang 3rd at 60 ang 4th places.

Nasa 4th place si Jockey J.A Guce na may 332 na laban 69 ang nanalo ng 1st places, 52 segunda, 40 ang tersera at 43 ang 4th place.

Pang-5th si Jockey Jonathan B. Hernandez na may 217 na laban, 65 ang primero kasama ang pagkakapanalo ni Union Bell sa nakaraang Philracom Juvenile Colts and Stakes Races at sa Philtobo Juvenile Championships noong 2019.

Nakapagtala ng 46 na segunda, 27 na tersera at 24 ang 4th places.

Nakuha ang 6th place ni Jockey C.P Henson na may 477 na laban at 66 ang panalo, 47 ang segunda, 57 ang 3rd at 47 ang 4th places.

Pang-7 si Jockey John Paul A.Guce na may rekord na 142 na laban 28 dito ang panalo, 25 ang segunda, 22 ang tersera at 15 ang 4th places.

Pang- 8 si Jockey C.S Pare Jr. na may 445 na laban at 60 na panalo, 52 ang segunda, 54 ang tersera at 61 ang 4th places.

Nakuha ang 9th place ni Jockey E.G Guerra na may 455 na laban, 56 ang panalo, 51 ang 2nd, 55 ang tersera at 68 ang 4th at pang 10 puwesto si Jockey J.G Serrano sa 427 na laban at dito nakakuha ng 60 na panalo, 56 ang segunda, 61 ang tersera at 59 ang 4th place.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.