Guce, ipapanalo ang Comanche Chief sa 3-YO
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 9, 2022
Pipilitin ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce na maipanalo si Comanche Chief pagsalang nila sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Dehado sa laban si Comanche Chief dahil patok sa tipsters ng programa ng karera ang magkakamping Ligiron at Advocacy.
Kaya inaasahang mapapalaban ang tandem nina Guce at Comanche Chief dahil bukod sa magka-kuwadra ay mga tigasing kabayo din ang ibang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.
Makikipagtagisan ng bilis din sina Kummander, Handsome Pocket, Es Oh Pee, Favorite Speed, Yachtmaster at Grand Majesty.
Tiyak na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil pakay ng mga kalahok na masikwat ang added prize na P20,000 para sa mananalong kabayo.
"Mahuhusay din ang mga maglalaban-laban kaya pahirapan din sa pagpili ng tatayaan," ani Lawrence Salbanera, veteran karerista.
Samantala, may 12 karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Linggo, lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Comanche Chief (8), Ligiron/Advoccacy (2/2A)
Race 2 - Electrify (4), Super Master (1)
Race 3 - Lemon Bell (14), Rockaway (11), Mommy Zen (9), You Never Know (3)
Race 4 - Greatwall/Patong Patong (2/2A), Gomper Girl (5)
Race 5 - Tocque Bell (3), Krugerrand/Fortissimo (8/8A), Tifosi/Work From Home (4/4A)
Race 6 - Hunky Dory (9), Great Dane (8), Gee's Favorite (7)
Race 7 - Raxa Bago (7), Crown In My Head (6), Sagitsit (9)
Race 8 - Reesy Baby (2), Love N' Kisses (4)
Race 9 - Victoriousprincess (7), Super Cong (8), Papa Ohh Mamaw (4)
Race 10 - Jambo (5), Che Che (6)
Race 11 - Nuclear Bomb (4), Gomezian (7)
Race 12 - Coup D' Etat (10), Smart Julliane (12), Queen Margaux/Classic Gee (9/9A)





Comments