top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

GSIS, nagbukas ng emergency loan sa Abra hanggang September 4

BULGAR
Aug 15, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 6, 2022



Hello, Bulgarians! Nagbukas ang Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan program para sa halos 7,000 members at pensioners sa Abra, ang epicenter ng lindol na yumanig sa bansa noong July 27.


"Hinihikayat namin ang mga naapektuhang members at pensioners na mag-apply sa emergency loan. Nandito po ang GSIS para tumulong." Ito ang sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso bilang tugon sa naunang pakiusap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na tiyaking makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga biktima ng lindol na nangangailangan ng tulong.


Unang inanunsyo ng GSIS na handa itong magbukas ng emergency loan para magbigay ng financial assistance sa members at pensioners noong July 28, isang araw matapos ang lindol.


"Sa ngayon, hindi pa nadedeklara sa ilalim ng state of calamity ang iba pang lalawigan sa North Luzon pero handa ang GSIS para rito," ani Veloso.


Hanggang September 4 puwedeng mag-apply sa emergency loan ang mga miyembrong nagtatrabaho o nakatira sa calamity area at mga pensioner na nananahan din sa Abra


Para sa members na may hinuhulugang emergency loan, puwede silang mag-apply hanggang P40,000. Ang hiniram nila sa emergency loan ay ibabawas sa proceeds ng kanilang bagong loan pero may maiuuwi pa rin silang P20,000. Para sa wala pang hinuhulugang emergency loan at mga pensioners, maaari silang humiram ng halagang P20,000.


Ang proceeds ng loan ay ike-credit ng GSIS sa UMID card o temporary eCard Plus account ng borrower.


Nag-deploy ang GSIS ng anim na portable Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks sa mga malalayong lugar sa Abra para makatipid sa pamasahe at pagod sa pagbabiyahe ng mga borrowers.


"Sa mga pag-aari naman ng gobyerno sa Abra na nasira ng lindol, titiyakin po natin na magbabayad ang GSIS upang magawang muli ang mga nasirang pag-aari ng pamahalaan na naka-insure sa GSIS. Sa ngayon, na-inspeksyon na namin at na-assess ang damage ng pito sa 29 na gusali ng gobyerno na nasira ng lindol," dagdag ni Veloso.


***


Para sa detalye, bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph), o Facebook page (@gsis.ph), magpadala sa email sa gsiscares@gsis.gov.ph o gsislaoag@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe and TM subscribers), at 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, and Talk ‘N Text subscribers).

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page