top of page

Grupo ng mga direktor, todo-palag… SEN. ROBIN, NANINDIGAN SA MTRCB ACT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 9, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Nanindigan si Senator Robin Padilla matapos kontrahin ng DGPI (Director’s Guild of the Philippines, Inc.) ang inihain niyang Senate Bill No. 2805 o MTRCB Act.


Inaprubahan na ng Senado sa final reading ang naturang panukalang-batas na magbibigay ng mas malawak na mandato sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para bantayan ang online streaming platforms.


Ang layunin ng MTRCB Act ay para mas palakasin at mas palawakin pa ang ‘mandate’ ng ahensiya.


“MTRCB should be authorized to regulate video content on streaming platforms to maintain the standards of decency and morality expected by Filipinos,” bahagi ng inilabas na pahayag ng Senado.


Sa hiwalay na official statement ni Sen. Robin, sinabi niyang kailangan na ring pangunahan ng MTRCB ang pagre-review at pagre-regulate ng lahat ng online streaming platforms sa bansa.


Aniya, “For paid on-demand streaming services, MTRCB shall require the streaming service to submit a list and classification of all movies, series, and programs offered and order a reclassification after screening, only as necessary.”


Ayon naman sa kampo ng senador, inaprubahan ng mga mambabatas ang MTRCB Act, ‘to address issues of obscenity, immorality, and senseless violence in the digital platforms.’


Hindi um-agree ang DGPI at sila ay tumutol dahil naniniwala sila na maaari umano itong makaapekto sa kalayaan nilang makapagpahayag sa pamamagitan ng mga pelikula.


“There is no need to create a redundant new law such as SB 2805 that would further destroy content creators’ rights to free expression and viewers’ rights to free access to expression,” ani DGPI sa kanilang official statement.


Ipinagtanggol naman ng senador/aktor ang panukalang-batas. Naiintindihan daw niya ang saloobin ng mga direktor dahil galing din siya sa industriya.


“Ngunit, sa likod ng panukalang-batas na ito, may mas malalim po tayong layunin – pananagutan sa harap ng makabagong panahon,” mariing sabi ng aktor-pulitiko.

Aniya pa, ang MTRCB Act ay hindi tungkol sa pagbabawal o paninikil kundi pag-aalaga at pagbibigay ng proteksiyon sa pamilyang Pilipino, mga kabataan, at kulturang Pilipino.



Binigyan ng commendation ng Senado ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos dahil sa husay nito sa pagganap sa pelikula niyang Espantaho na nakakuha ng awards sa ibang bansa.


Ani Juday, “Malaking bagay na makilala ang mga trabaho mo.”


Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 1320 na isinulong na batas ni Senador Jinggoy Estrada, binigyan nila ng honor si Juday dahil sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa 2025 Fantasporto International Film Festival sa Portugal nitong nakaraang Mayo.


Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram (IG) page na personal niyang tinanggap ang prestigious commendation mula sa Senado.


Aniya, “Hindi ko naisip na aabot hanggang dito ‘yung pagtatrabaho ko bilang artista. Malaking bagay na makilala ang mga trabaho mo.” 

Walang pagsidlan ng tuwa si Juday.


“Thank you so much to all the senators, to Sen. Jinggoy Estrada for the resolution,” aniya pa.

Pahabol niya, “Ang saya-saya, thank you po, thank you very much.


“This will serve as an inspiration for us to further improve our work, hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa.”


Speech naman ng may-akda ng law na si Sen. Jinggoy,


“Her Best Actress win in Fantasporto, her second international best actress trophy following the recognition from Cairo Film Festival in 2019 for the movie Mindanao, proves her range and versatility as an actress who can not only make audiences cry buckets for her dramatic portrayals as a true royalty of Pinoy soap opera or hold her own as a female lead in action sequences, including our very own tandem, but can also send chills and suspense in horror blockbusters.”


Congratulations, Juday!


SI Bela Padilla ang featured artist sa Maalaala Mo Kaya (MMK) titled SIM Card.

Ang daming na-impress sa pagganap ni Bela na isang Pinay na na-rescue mula sa illegal scam centers na nag-o-operate sa Myanmar.


Bilang si Nadia na kagustuhang makatulong sa pamilya beside sa mataas na sahod, tinanggap niya ang trabaho. Hindi niya akalaing sa Myanmar sila dadalhin dahil ang pangako ng employer ay sa Thailand siya magwo-work bilang

customer service.


Napili ang letter sender nang magpadala siya sa MMK. Ang episode ay mapapanood sa June 11 sa iWantTFC.


Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page