Grey area, aabangan
- BULGAR
- Mar 31, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 31, 2022
Pang-primera sa karera tipsters ng programa si Grey Area sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na haharurot sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayong araw.
Rerendahan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, nagkasundo ang mga tipsters na i-primera si Grey Area sa nasabing event, kaya tiyak na malaking suporta ang kanyang makukuha sa mga karerista paglarga ng Race 1 mamayang 4:40 ng hapon.
Subalit ayon sa mga dehadistang karerista, malaki rin ang tsansang manalo ng Temple Key at Black Magic Woman sa distansyang 1,300 meter race. "Kay Temple Key at Black Magic Woman ako, dehadista kasi ako, kahit alam kong magaling si Grey Area ay sa dehado pa rin ako," saad ni Ramon Domingo, beteranong karerista.
Bukod sa nabanggit na mga kabayo, ang ibang kasali ay sina Bull Star Rising, Ten Ten Forty, Go Ahead, I Don't Mind, Savage Love at El Lider Maximo.
May nakalaan ang P40,000 na karagdagang premyo para sa unang kabayong tatawid sa meta habang tig-P15,000 at P5,000 ang kukubrahin ng second at third placers ayon sa pagkakasunod.
Ang nasabing karera ay inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pinamumunuan ni chairman Reli De Leon. Isa pang aabangan ng mga liyamadista ay si Cherubim na sasabak sa PRBHS Class 4 na pasisibatin sa pang-limang karera.
Gagabayan ni RA Base, posibleng magbigay ng magandang laban kay Cherubim ay sina Sinag at Greater Good. Katulad din sa unang event ang premyong makukuha ng first hanggang third placers, kung saan ang distansya ay 300 meter race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Grey Area (2), Black Magic Woman (5), Temple Key (9)
Race 2. Skyscraper, (4), Rockaway (5), Crown In My Head (9)
Race 3. Top Creed (R6), Lady Of Peace (6)
Race 4. Red Hawk (6), Double Rock (1)
Race 5. Cherubim (4), Aida's Pet (7), Sinag (8)
Race 6. Pilya/Kailuphia (5/5A), Excellence (7), Humidor/Pulido (1/1A)
Race 7 - Sekretong Malupit (4), Cannol Ball, (6), Hot Ticket (3)





Comments