Gretchen Ho, madalas makita sa mayor's office… VICO, NADULAS NA MAG-AASAWA NA
- BULGAR
- Mar 27, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 27, 2022

Sa isang pagpupulong kung saan naroroon si Pasig City Mayor Vico Sotto ay nadulas umano ang alkalde.
Hindi siya nasaktan nang pisikal kundi nadulas siya nang may magsalita sa audience kung bakit single pa raw ang alkalde at kung kelan daw ba siya mag-aasawa?
Sadyang matalas ang pandinig ni Mayor Vico. Aniya, “'Wag kang ano d'yan, ate.”
Pero sinagot niya rin ang naulinigang tanong ng kanyang constituent.
“Next year,” sambit ng alkalde ng Pasig City.
Ang tanong, sino naman kaya ang masuwerteng babae na mapapangasawa ng butihing alkalde?
Sa aming pagkakaalam, ang huling na-link kay Mayor Vico ay si Gretchen Ho.
Nakunan pa nga sila ng larawan nang manood ng game. Forgot lang po ng inyong lingkod kung volleyball o basketball ang pinanood ng dalawang personalidad.
Na-tackle rin nina Ogie Diaz at Mama Loi sina Mayor Vico at Gretchen sa kanilang Showbiz Update YouTube Channel.
Ayon sa dalawang hosts, hindi naman daw naputol ang komunikasyon ng butihing mayor at ng sports newscaster. Katunayan ay napagkikita nga raw itong si Gretchen sa opisina ng Pasig mayor. At hindi lang daw isa, ha, kundi makailang beses na!
So, ang tanong, si Gretchen na kaya ang masuwerteng babae sa puso ni Mayor Vico?
Siyempre, if next year nga ay mag-aasawa na si Vico, ang mas matutuwa rito ay ang kanyang mga magulang na sina Coney Reyes at Bossing Vic Sotto.
Aba, mukhang si Mayor Vico na lang ang walang partner in life sa lahat ng mga anak ni Bossing Vic, except Tali siyempre, na anak nina Pauleen Luna at Bossing.
Comments