top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Green, pinabagsak ang Celtics, Coach Spoelstra, swak sa Top 20

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 15, 2023




Bumida sa huling 90 segundo si kabayan Jalen Green upang pabagsakin ng kulelat na Houston Rockets ang bigatin na Boston Celtics, 111-109, sa tampok na laro sa NBA kahapon sa Toyota Center. Wagi rin ang Miami Heat sa Utah Jazz, 119-115, at makapasok si Coach Erik Spoelstra sa Top 20 ng mga coach na may pinakamaraming panalo na 697 sa 1,183 laro.


Nag-shoot si Green upang makahinga saglit ang Rockets, 108-105, at 1:29 sa orasan subalit sinagot ito agad ng dalawang free throw ni Jaylen Brown upang magbanta ang Celtics, 107-108. Mula roon ay walang kabang ipinasok ni Green ang dalawang free throw na may 10 segundong nalalabi at idiin ang Boston, 110-107.


Pumalag pa rin ang Boston at lumapit muli sa tira ni Brown, 109-110 at kanyang ika-43 na puntos sa laro. Kinabahan ang Houston at isang free throw lang ang nagawa ni rookie Jabari Smith Jr. subalit napalitan ito ng tuwa matapos mapigil ng kanilang depensa ang huling tira ni Jayson Tatum sabay tunog ng busina.


Nagtala ng walo ng kanyang 28 puntos sa 4th quarter si Green habang double-double si Smith na 24 puntos at 11 rebound. Kahit wagi ay nasa pinakailalim pa rin ng Western Conference ang Rockets na may 16-52 panalo-talo.


Bago ang laro ay tabla sina Coach Spoelstra at Coach Red Holzman ng New York Knicks sa 696 panalo. Susunod na hahabulin niya sa natatanging listahan ng mga alamat ay si #19 Coach John MacLeod na may 707 na panalo mula 1973 hanggang 1991 para sa Phoenix Suns, Dallas Mavericks at Knicks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page