top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Green Champion kuno si Loren Legarda, ‘nganga’ naman sa mga sumisira ng kalikasan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 31, 2022



MGA LOYALISTA AT DDS, HINDI MAKAPORMA KAY GUANZON–Pinutakti nang batikos ng mga loyalista at DDS si Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pagsasapubliko nito ng kanyang boto na disqualification laban kay dating Sen. Bongbong Marcos.


Pero ang problema ng mga loyalista at DDS, hindi nila magawang sunud-sunurin ang pamba-bash kay Guanzon kasi sobrang taklesa ang komisyuner, niraratrat agad sila ng putak kaya natitigilan sila sa pag-atake sa Comelec commissioner, boom!


◘◘◘


LOREN LEGARDA, “GREEN CHAMPION” KUNO PERO “NGANGA” SA MGA SUMISIRA SA KALIKASAN–Pinagtawanan ng mga netizens sa social media ang ginawang pagpuri nina BBM at Mayor Sara Duterte-Carpio kay Antique Rep., former Sen. Loren Legarda, nang sabihin nilang “green champion” ito o may malasakit kuno sa kalikasan.


Aba’t pagtatawanan talaga sila ng netizens kasi bukod sa “nganga” si Loren sa mga abusadong mining company na sumisira sa kalikasan, ngayon lang ulit ito nagparamdam sa publiko – kung kailan eleksiyon na naman, boom!


◘◘◘


BBM AT ISKO, HINDI MAKARESBAK SA ATAKE NI PACMAN–Sa interview ni ABS-CBN host Boy Abunda kay Sen. Manny Pacquiao, tinanong ito kung bakit hindi dapat iboto sina Manila Mayor Isko at BBM, at ang tugon ni Pacman, pareho umanong mga bahid ng korupsiyon ang dalawang ito.


‘Yun lang! Hindi na makareresbak ang dalawa kay Pacman kasi nauna na silang ma-interview ni Tito Boy, wala na silang pagkakataong kuwestiyunin ang tax case ni Pacquiao, saklap!


◘◘◘


PACMAN, NILAGLAG SI YORME ISKO NA MAY BAHID UMANO NG KORUPSIYON–Dedma lang si BBM sa pang-aatake ni Pacquiao, pero Yorme ay umuusok sa galit dahil gusto talagang makaresbak kay Pacman.


Sa totoo lang, may punto si Mayor Isko na magalit kasi ang pakilala niya sa publiko, hindi siya korup, tapos sinabihan siyang korup ni Pacman, ha-ha-ha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page