Grade 7, sinaksak ng kaklase sa leeg, batok at pisngi

ni Mai Ancheta @News | October 21, 2026

Photo: File / San Pablo City Science Intigrated High School - FB
Sugatan ang isang Grade 7 na estudyante makaraan umanong saksakin ng kanyang kaklase sa San Pablo City Science Integrated High School sa Brgy. San Jose, San Pablo City, Laguna nitong Lunes ng tanghali.
Ang biktima ay isang 12-anyos na lalaki na nagtamo umano ng mababaw na sugat sa leeg, batok at pisngi.
Lumitaw sa imbestigasyon na break time umano ng mga estudyante at tinawag ang biktima sa gilid ng paaralan ng kanyang kaklase na 12-anyos din, saka ito inatake gamit ang maliit na kutsilyo.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng may naganap na bullying sa pagitan ng dalawang estudyante at nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare Office ang nanaksak na estudyante at itinuturing na Child in Conflict with the Law.





Comments