Grade 11, huli... 15-anyos, sinaksak sa leeg at tiyan sa iskul
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 8, 2026

Photo: Paaralan sa Brgy. Buayan, General Santos City - FB Circulated
Sugatan ang isang Grade 8 na estudyante makaraang saksakin ng isang Grade 11 sa loob ng paaralan sa Brgy. Buayan, General Santos City nitong Lunes ng umaga, Sept. 7.
Kinilala ang biktima na si alyas Jan-Jan, 15, na nagtamo ng saksak sa leeg at tiyan matapos saksakin ni "Alex," Grade 11, kapwa mag-aaral ng Buayan National High School.
Naabutan ng mga tauhan ng GenSan City Police ang duguang biktima at agad na dinala sa pagamutan.
Nasakote naman ng guwardiya ng paaralan ang suspek at isinuko sa mga pulis.
Na-recover sa suspek ang isang balisong na limang pulgada.
Ayon kay PBrig. Gen. Alan Manibog, dati na umanong may alitan ang dalawa.
Depensa ng pamilya ng suspek ang umano'y pambu-bully sa paaralan, subalit hindi nilinaw kung ang biktima ang tinutukoy na sangkot sa bullying.





Comments