Grab rider, nakasilong, nabagsakan ng puno, patay

ni Mai Ancheta @News | August 10, 2026

Photo: Circulated
Nasawi ang isang umano’y Grab delivery rider matapos bumagsak sa kanya ang isang puno at utility pole habang nakasilong sa Circumferential Road, Brgy. San Isidro, Antipolo City nitong Linggo, Agosto 9.
Ayon sa Facebook post ni Antipolo City Mayor Jun-Andeng Ynares, agad na isinugod ng mga rescuer ang rider sa Rizal Provincial Hospital System (RPHS) Antipolo Annex 2, ngunit kalauna'y namatay dahil sa tinamong mga pinsala.
Sinabi ng alkalde na tutulungan ng pamahalaang lungsod ang pamilya ng biktima sa mga gastusin at paghahanda para sa libing.
Agad ding nagsagawa ng clearing operations sa lugar upang maibalik ang normal na daloy ng trapiko.





Comments