top of page
Search
  • BULGAR

Gov’t official na todo-political ads para mapansin ng masa, PDAF naman ang ipinambabayad

ni Chit Luna - @Yari Ka! | April 10, 2021


Sukdulan ang kapal ng pagmumukha ng isang ‘trapo’ dahil sa paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) para sa malawakang pagsusulong ng kanyang political agenda sa pagsapit ng susunod na halalan.


Dalawang linggo nang umeere sa telebisyon ang political ads na ikinukubli sa likod ng paghimok sa mga kapwa kongresista na ipasa ang panukalang nagsusulong ng P10, 000 ayuda para sa bawat Pinoy apektado ng pandemya.


Magkano nga ba ang halaga ng bawat labas ng kanyang political ad sa telebisyon — lalo pa’t primetime at sa leading television network pa?


Sa ating tantiya, hindi lamang 10 beses lumalabas ang political ad ng nasabing trapo at kung ang batayan lang ay 15-second advertisement na nagkakahalaga ng P100,000 bawat jab, lumalabas na isang milyon araw-araw ang kanyang sinusunog para lamang ipagduldulan sa mga manonood ang kanyang pagmumukha.


Sa loob ng nakalipas na dalawang linggo ay tumataginting na P14 milyon na ang kanyang nagagastos.


Kung itutuluy-tuloy ang mga political ads sa telebisyon hanggang sa siya ay makapag-file ng certificate of candidacy ngayong Oktubre, hindi malayong makagastos na siya ng humigit kumulang sa P224 milyon para lamang sa kanyang political ads. Grabe ‘yun, ha? Sana all may milyones!


Kung gamitin niya kaya ang kanyang P11-bilyong pork barrel at isa pang P11-bilyon mula sa pork barrel ng kanyang asawa, ilang tao ba ang puwede makatanggap ng P10K kada ulong ayuda na kanyang nais magkaroon ang mga pobreng Pilipino?


Nakipaghuntahan tayo sa malapit na kaibigan na nagtatrabaho sa isa sa kanyang mga tanggapan. Bulalas ng ating kasangga, pursigido aniya ang kanyang bossing na kumandidato para sa mas mataas na puwesto sa papalapit na 2022 general elections.


Aniya, ganting-ganting ito dahil sa kinasadlakan ng kanyang dati-rati’y promising political career. Hala, sino kaya ‘yun? Hmmm…

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page