Gov’t official na dating waiter sa club sa Maynila na napasok sa mundo ng media...
- BULGAR

- Oct 25, 2020
- 2 min read
Feeling mabait na public servant pero nuknukan talaga ng yabang at kaplastikan, mga empleyado sa ahensiya sobra ng naiirita sa kanya
ni Chit Luna - @Yari Ka! | October 23, 2020
“Para sa bayan ang lahat ng ating ginagawa.” ‘Yan ang linyahan ng ating bida na hindi knows ng madlang pipol na nagpapanggap lang naman itong makabayan — nagpapanggap para sa pansariling kasiyahan at pangangailangan.
Sa sobrang yabang nito, maging ang mga empleyado sa ahensiya na kanyang pinaglagakan ay sobrang naiirita sa kanyang ugali. Kapag dumating ito sa opisina, dedma ang mga co-workers niya dahil sanay na sa yabang at hanging nagmumula sa kanya.
Minsan, nagkamali raw ang isang staff nito at ang ending, mega-lecture siya na akala mo marunong talaga! Like, wow, sino ka naman d’yan?
Binatikos din ito ng opisyal ng Commission on Election dahil sa ipinalabas na memorandum mula sa kanyang departamento. Nagulat ang mga empleyado dahil nakasaad sa memo na ang lahat ng empleyado ay bawal mag-post sa kanilang Facebook account ng negatibong komento laban sa gobyerno. Ngek!
Ayon sa ating source, dati pala itong waiter sa club sa Maynila, hanggang may nakilala itong taga-media kaya nakapasok sa industriya.
Heto ang masaklap, may inside the PA umano ito na pangingikil ng P200-K sa isang negosyante dahil siya ay naging opisyal ng samahan ng mga taga-media. Pinagkaperahan din umano nito ang pinamunuang grupo sa pagbebenta ng mahahalagang koleksiyon ng tanggapan.
Maging ang mga proyekto ng samahan na para sa miyembro ay naudlot dahil niloko nito ang tunay na may-ari ng lupang pabahay para sa mga miyembro.
Nuknukan na sa taas ang ere na hindi dapat ugali ng matinong opisyal ng gobyerno, aba’t balasubas pa pala?! Akala mo kung sinong makabayan at mahal ang serbisyo-publiko, plastik! Masyado kayong mapagpanggap, pero sige lang, karma na lang sa’yo, serr!








Comments