top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gov’t. lawyers sa CA: Ruling sa Newsnet, irekonsidera

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
2 min read

ni Mylene Alfonso | April 4, 2023




Iginiit ng Office of Solicitor General (OSG) sa Court of Appeals (CA) na irekonsidera at balewalain ang nauna nitong ruling na nag-atas sa National Telecommunications Commission (NTC) na awtomatikong aprubahan ang aplikasyon ng News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) para makapag-operate ng local multi-point distribution system (LMDS).


Nabatid na pagaganahin ng LMDS ang Newsnet na naka-affiliate sa NOW Corp. na ang legislative franchise ay nag-expired noong Agosto 9, 2021 para makapag-deliver ng interactive pay television at multimedia services sa bansa.


Nalaman na ang OSG na kumakatawan sa NTC sa kaso ay naghain ng urgent manifestation na humihiling sa CA na gumawa ng judicial notice ng desisyon ng Office of the President na may petsang Marso 31, 2023 na nagbasura sa apela para baligtarin ang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nagpawalang-bisa sa nauna nitong ruling na nagkaloob ng awtomatikong pag-apruba sa aplikasyon ng Newsnet.


Matatandaang sa desisyon ng CA special eight division noong Hulyo 20, 2022 pinayagan nito ang petition for mandamus na inihain ng Newsnet laban sa NTV at dating Commissioner Gamaliel Cordoba na ngayon ay chairman na ng Commission on Audit (COA).


Sa naturang desisyon, inatasan ng CA ang NTC na agad sundin ang order ng ARTA noong Pebrero 12, 2020 na awtomatikong aprubahan ang aplikasyon ng Newsnet para sa certificate of public convenience (CPC) o provisional authority (PA) dahil sa pagkabigo ng komisyon na umaksyon sa panahon na inoobliga ng batas.


Ang naturang desisyon ng CA ay isinulat ni Associate Justice Perpetua Susana T. Atal-Paño at sinang-ayunan nina Associate Justices Ruben Reynaldo G. Roxas at Maximo M. De Leon.


Sa kasalukuyang pleading, sinabi ng OSG na ang desisyon ng OP ay katulad ng sa ARTA at maging ang opinyon ng Department of Justice (DOJ) ay nagsabi na ang aplikasyon na may kinalaman sa radio frequency assignment ay hindi sakop ng Republic Act 11032 o

The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kundi ito ay sakop ng NTC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page