top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gov’t. Employee na walang ‘K’, ‘wag bigyan ng bonus

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2023
1 min read

@Editorial | November 16, 2023


Bigayan na ng bonus, siyempre hindi mapag-iiwanan ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.


Kahapon, nagsimula nang ipamahagi para sa mga kuwalipikadong kawani ang kanilang year-end bonus at cash gift.


Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang kanilang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary. Habang P5,000 naman ang kanilang matatanggap na cash gift.

Ang naturang benepisyo ay mula sa P69.4 bilyong pondo na inilabas nito kung saan nasa P45 bilyon ang itinalaga para sa mga civilian personnel na nagtatrabaho sa national government agencies.

Samantala, aabot naman sa P15.2 bilyon ang allocated sa military at iba pang uniformed personnel.

Kabilang sa mga kuwalipikadong kawani ng gobyerno ay ang mga manggagawang nakapag-render ng kanilang serbisyo nang hindi bababa sa apat na buwan mula noong Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2023.


Para sa mga empleyado ng gobyerno na talagang tapat sa kanilang tungkulin, na unang humaharap at nagbibigay ng solusyon sa problema ng taumbayan, masasabing hindi sasapat ang anumang halaga pero, marapat pa ring bigyan sila upang matustusan din ang pangangailangan ng kanilang pamilya.


Gayunman, sa mga pasaway na taga-gobyerno at tatamad-tamad, bukod sa ‘di na dapat bigyan ng bonus, mas dapat siguro ay pagsisipain na rin sa puwesto.


Maraming mas karapat-dapat at gustong maglingkod sa mamamayan, sila ang dapat na binibigyan ng pagkakataon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page