top of page
Search
BULGAR

Google, hindi lilitisin para sa kaso sa US digital ads

ni Angela Fernando @Overseas News | June 9, 2024



Showbiz Photo

Nagdesisyon ang jury na hindi haharap ang Google sa paglilitis kaugnay sa mga alegasyon ng pagiging dominante nito sa digital advertising matapos magbayad ng $2.3-milyong danyos na hiningi ng gobyerno ng United States.


Ang pagbabayad ng Google ay nangangahulugang maiiwasan nito ang paglilitis sa harap ng hurado. Hiling rin ng kumpanya na ito ang maging kauna-unahang paglilitis sa harap ng hurado sa isang sibil na kaso ng antitrust na isinampa ng U.S. Justice Department.


Matatandaang sinampahan ng kaso ng Justice Department nu'ng nakaraang taon at ng isang coalition ng mga estado ang tech giant, na inaakusahan ng ilegal na monopolyo sa digital advertising at sobrang singil sa kanilang mga users.


Nagdesisyon si U.S. District Judge Leonie Brinkema sa Alexandria, Virginia, nu'ng nagdaang Biyernes at itinakda ang paglilitis na hindi kinakailangan ng jury sa Setyembre 9, kung kailan niya diringgin ang mga argumento upang direktang magpasya sa kaso.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page