top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Good news sa mga tsuper

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2023
  • 1 min read

@Editorial | September 15, 2023


Medyo gagaan ang pasanin ng mga tsuper sa inilabas na pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Ayon sa ahensya, may pag-asa ang mga drayber ng pampasaherong jeep sa kanilang hirit na taas-singil sa pasahe.

Posible umanong pagbigyan ang kahilingan ng transport sector na dagdag-pasahe bago matapos ang taon.

Batid naman ng lahat ang sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng petrolyo sa loob ng sampung linggo na masasabing hindi na ordinaryong kaganapan.

Batid umano ng LTFRB ang kahalagahan ng fare increase bagama’t kailangan pa ring timbangin ang lahat para hindi makompromiso ang ekonomiya at magtaasan ang lahat ng presyo ng mga bilihin.

Ikokonsidera umano ang taas-singil sa pamasahe kasabay ang paghingi ng sapat na panahon upang madetermina kung kailan dapat na ipatupad ang dagdag-singil.

Nakatakdang dinggin sa Setyembre 26 ang petisyon para sa pisong provisional fare hike, gayundin ang hiwalay na petisyon ng iba pang transport group para sa P2 base fare.


Kahit paano ay makakaagapay ito sa sitwasyon ng mga tsuper na talagang hirap na sa tuwing tumataas ang presyo ng gas.


Umaasa tayo na magiging maayos ang pag-uusap at sa kabilang banda ay maunawaan din ng mga komyuter kung sakaling mapagbigyan ang hiling ng mga tsuper.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page