top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Good news sa mga gov't employee… Housing program mula sa GSIS

  • BULGAR
  • Dec 27, 2022
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | December 27, 2022



Hello, Bulgarians! Sinabi ng State pension fund President at General Manager ng Government Service Insurance System na si Wick Veloso na maglulunsad ang GSIS ng housing program para sa mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon.


Ang anunsyo ay ginawa ni PGM Veloso kasunod ng paglagda ng memorandum of understanding (MOU) kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na naglalayong tumulong sa pagbibigay ng pabahay para sa mahigit anim na milyong pamilya sa buong bansa, sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.


Bukod sa GSIS, ang iba pang lumagda sa MOU ay kinabibilangan ng Home Development Mutual Fund (PagIBIG Fund), Social Security System, Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.


Ang MOU ay nagbibigay ng mga paraan, kung saan maaaring suportahan ng mga kalahok na GFI ang mga hakbangin sa pabahay ng pamahalaan — sa pamamagitan ng pagbalangkas o pagpapahusay ng kanilang sariling mga programa sa pabahay at pagbuo ng mga proyekto sa pabahay at pagbibigay ng mga opsyon sa parehong pribadong sektor at mga empleyado ng gobyerno upang makakuha ng pagmamay-ari o mga karapatan sa mga yunit ng pabahay.


Sa ilalim ng programang pabahay, ang paggawad ng mga housing unit ay nasa anyo ng karapatan sa pag-upa sa loob ng maximum na 100 taon. Nangangahulugan ito na ang mga awardees ay magkakaroon ng karapatang gamitin at tamasahin ang housing unit bilang tirahan sa pamamagitan ng pagbabayad lamang ng buwanang upa.


Ang sale of rights ay ipagkakaloob lamang sa mga first time homebuyers, Pag-IBIG Fund member at minimum wage earner.


Binigyang-diin ni Veloso na ang kaayusang ito ay nagbibigay ng safety net sa mga walang prinsipyong indibidwal, “GSIS will adopt the same for government employees, the allocation for which will be based on the breakdown of our sectoral membership.”


"We are firming up the structure and will have it approved by the Board in January next year," dagdag pa niya.


"Sa pamamagitan ng pabahay para sa mga miyembro ng GSIS, mabibigyan natin ng dignidad ang mga bayani ng bansa: ang mga kawani ng pamahalaan,” pahayag ni pension fund chief.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page