top of page
Search
  • BULGAR

Good news sa mga contractual worker

@Editorial | May 5, 2024



Editorial


Good news para sa mga contractual workers sa gobyerno dahil tutulong ang Civil Service Commission (CSC) upang sila ay maging regular.


Ito ay sa pamamagitan ng Career Service Eligibility-Preference Rating (CSE-PR).

Ayon sa isang opisyal ng CSC, ang CSE-PR ay ginagamit sa mga manggagawang nakapagsilbi na ng 10 taon at napapakinabangan ang kakayahan at karunungan ngunit kulang sa “eligibility” para sa plantilla na posisyon.


Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2301123 na pinagtibay noong nakaraang ika-7 ng Disyembre, ang mga nakakuha ng 70 hanggang 70.99 ay bibigyan ng pinakamataas na 10 puntos sa civil service exam ang mga aplikante para sila ay maging kuwalipikado sa Career Service Professional o Subprofessional.


Hindi maitatangging marami sa ating mga empleyado sa gobyerno ang talagang karapat-dapat na mabigyan ng dagdag na benepisyo at mas mataas na sahod. 


Kaugnay nito, sinisikap nang tulungan ng ahensya ang mga manggagawa sa pamahalaan na makapag-apply sa CSE-PR. Ang kumpletong guidelines ay makikita sa website ng komisyon na www.csc.com.ph.


Sana, mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawang masisipag at tapat sa tungkulin.


Umaasa rin tayo na hindi ito budol lang dahil malaking tulong ito sa mga contractual employee na walang katiyakan kung hanggang kailan ang itatagal sa trabaho.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page