top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Good news para sa mga domestic caregiver

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2023
  • 1 min read

@Editorial | December 3, 2023


Pirmado na ang Republic Act No. 11965 o Caregiver Welfare Act na layuning maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga domestic caregiver.

Sa ilalim ng bagong batas, kuwalipikado ang mga caregiver na mabayaran ng overtime pay kapag lagpas sa arawang 8 oras na pagtatrabaho at night shift differential na may minimum wage na hindi bababa sa minimum wage sa rehiyon.

Ang mga caregiver na nakapag-render ng isang buwang pagtatrabaho ay kuwalipikadong makatanggap ng 13th month pay na ibinibigay ng December 24 kada taon o upon separation mula sa trabaho.

Ang mga caregiver naman na nakapag-render ng isang taon na serbisyo ay makakatanggap ng 5 araw na leave credits with pay.

Saklaw sa naturang 12 pahinang batas ay ang caregivers na nagtatrabaho sa mga pribadong bahay sa bansa, nursing o care facilities at iba pang residential settings gayundin ang mga caregiver na direktang na-hire ng employer o Public Employment Services Office (PESO) at Private Employment Agency.

Ang Caregiver Welfare Act ay epektibo 15 araw mula nang mailathala sa official gazette.


Kaya sa mga caregiver, alamin ang inyong mga karapatan para hindi maabuso. Para naman sa mga employer, sundin ang batas, huwag pasaway.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page