top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gonzales ng FEU sinuwag ang Falcons, NU matapang

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 19, 2023




Mga laro ngayong Sabado – UST

12:00 PM NU vs. AdU

4:00 PM DLSU vs. UE

Naging mas matatag ang Far Eastern University sa last 2 minutes at iniligpit ang Adamson University, 49-46, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 86th UAAP Men's Basketball Tournament Miyerkules sa MOA Arena. Nagpadala din ng mensahe ang National University sa buong liga na seryoso sila at tinalo ang University of the East, 68-49.

Sa larong namayani ang depensa, winasak ni Patrick Sleat ang huling tabla sa kanyang buslo at sinundan ng dalawang free throw ni LJ Gonzales para sa 47-43 lamang na may 16 segundo sa orasan. Saglit nagbanta ang Falcons sa three-points ni Joem Sabandal subalit sinagot ito ng mga free throw ni Royce Alforque at nagmintis ang huling tira ni Sabandal sabay tunog ng busina.

Nagtapos si Gonzales na may 13 puntos at siyam na rebound. Sumunod si Sleat na may 10 puntos para angatin ang Tamaraws sa 2-4. Mabagal ang simula ng NU at nakuha ng UE ang first quarter, 21-19. Nagising ang Bulldogs at linimitahan ang Warriors sa apat na puntos lang sa second quarter at itayo ang 31-25 bentahe na hindi na nila binitawan.

Parehong gumawa ng tig-12 puntos ang mga first five na Omar John at Jake Figueroa at reserba Paul Palacielo. Ito na ang ikatlong sunod na tagumpay ng Bulldogs at tumibay ang hawak nila sa pangalawang pwesto na may 5-1 panalo-talo.

Samantala, bumawi ang defending champion Ateneo de Manila University at pinatiling kulelat ang University of Santo Tomas, 97-77. Pumantay ang Blue Eagles sa 3-3 habang 0-6 na ang Tigers at pangkalahatang ika-19 sunod na pagkabigo buhat pa noong 85th UAAP.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page