top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gomezian, sumiklab sa Lakambini Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 20, 2022


Nagpasiklab si Gomezian sa 2022 Lakambini Stakes Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo.


Kinoronahan ang anak nina Sakima at Hot Yoga na si Gomezian pagkatapos ng kanyang wire-to-wire win sa distansiyang 1,600 meter race kung saan inirehistro nito ang tiyempong 1:42.4 minuto.


Ginabayan ni class rider Oneal Cortez, kumuha agad ng unahan si Gomezian paglabas ng aparato at kahit binuliglig siya ni Radio Bell ay hindi ito natinag sa unahan.


Kapit tuko si Radio Bell kay Gomezian subalit papalapit ng final turn ay hindi na siya nakasabay sa winning horse at nasikwat ng huli ang panalo.


Sumegundo si Radio Bell na nagsubi ng P450,000 habang tersero at pang-apat sina Enigma Uno at Tinago Falls na sumungkit ng tig-P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.


Tumanggap din ng P100,000 ang breeder ng winning horse sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Matagumpay na naisagawa ng host Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ang karera noong linggo kaya naging masaya ng todo ang mga kareristang sumaksi ng live na labanan sa karerahan.


Samantala, halos tuwing linggo ay may nakahandang stakes races sa karerahan kaya mas lalong magiging kapana-panabik ang bakbakan ng mga tigasing kabayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page