Gobyerno, ‘wag patulog-tulog sa panahon ng bagyo
- BULGAR
- Jul 27, 2023
- 1 min read
@Editorial | July 27, 2023
Patuloy ang pananalasa ng Super Bagyong Egay sa bansa.
Kabilang sa mga nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang mga lugar sa hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Island, hilagang bahagi ng Apayao, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Ito ay matapos ang pagtama ni 'Egay' sa Dalupiri Island, Cagayan.
Magiging maulan din sa Batanes, hilaga at gitnang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, kanlurang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Benguet, at La Union.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamahalaan na nakahanda na ang mahigit P173 milyong stand-by funds maging ang mga ang food at non-food items.
Naka-deploy na rin ang search, rescue, and retrieval personnel mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at Coast Guard.
Kung kasado na ang mga ayuda, umaasa tayo na magiging mabilis ang paghahatid nito sa mga biktima.
Masasabing hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa ating bansa, maraming bagyo na ang dumaan at may mga darating pa, kaya napakahalagang natututo na tayo upang maiwasan ang mas malalang senaryo.
Sa pagkakataong ito, wala ng ayuda na inaabot ng siyam-siyam o nabulok na lang at hindi napakinabangan. Malaking bagay na nasasabayan natin ang anumang kalamidad.
At higit na mas mahalaga ang paghahanda.
Sana ay malusaw na ang bagyo at hindi maging malala ang pinsalang maiiwan nito.
Muli, panawagan sa mga kinatawan sa gobyerno, huwag patulug-tulog, alalayan natin ang mga kababayang nangangailangan.



Comments