top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Gobyerno, ‘wag naman sanang masanay sa oil price hike

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 15, 2023


Malakihang taas-presyo na naman sa produktong petrolyo ang sumalubong sa mga motorista ngayong araw.


Una nang nag-abiso ang mga kumpanya ng langis na sisirit ng halos dalawang piso kada litro ang presyo ng gasoline at diesel habang mahigit P2 naman sa kerosene.


Kaugnay nito, pinayuhan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport group na magsumite ng pormal na liham para sa dagdag na P2 sa minimum na pamasahe.


Bagama’t sinabi naman ng grupo na sapat na ang isang simpleng liham para humiling ng dagdag-pasahe sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2019-035.

Una nang hiniling ng ilang transport group na itaas ang minimum na pamasahe sa P14 para sa mga public utility jeepney, mula sa kasalukuyang P12, dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Kapag ganitong walang tigil ang pagsirit ng presyo ng gas, tiyak na ang domino effect.


Mapipilitan na ring itaas ang presyo ng mga bilihin o mag-adjust sa singil para makasabay.


Sa gitna ng sitwasyon, ang pakiwari ng publiko ay tila nasasanay na ang gobyerno, bagay na huwag naman sana. Napakahirap dumiskarte ‘pag petrolyo na ang nagtataas. Hindi na uubra ‘yung hirit na magtipid.


Panawagan sa gobyerno, paganahing maigi ang utak. Mag-isip ng paraan kung paano mababawasan ang pasanin ng mga tsuper at mamimili.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page