top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gobyerno, ‘wag magpadalos-dalos sa jeepney phaseout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2023
  • 1 min read

@Editorial | March 4, 2023



Nananatiling mainit ang usapin sa pag-phaseout sa traditional jeepney.


Sa kabila ng pag-urong sa petsa ng pagpapatupad ng phaseout sa lumang jeep, nanindigan ang mga operator at drayber na kanilang itutuloy ang malawakang tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12.


Kaya nagpaplano na ang gobyerno at mga pribadong sektor ng mga gagawin sa gitna ng transport strike tulad ng libreng sakay at pagsuspinde sa number coding.


Bagama't sa Disyembre 31, 2023 pa ang implementasyon ng programa, mas mainam na imbestigahan na rin kung tama at makakabuti nga ba ang gagawing phaseout sa mga lumang jeep.


Sa ngayon, may inihaing panukala ang House Resolution No. 801 na nag-aatas sa House Committee on Transportation na magdaos ng imbestigasyon “in aid of legislation” upang matalakay kung ano ang magiging impact sa pag-phaseout sa tradisyunal na jeepney.


Mistulang binalewala umano ng programa ang katotohanan na ang jeep sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsya, ang itinuturing na “primary mode” ng pampublikong transportasyon.


Kaugnay nito, batay sa datos nasa 11.5 milyong pasahero ng Public Utility Jeepney (PUJ) kada araw ang maaaring maaapektuhan kapag natuloy ang phaseout.


Kung matutuloy ang PUJ phaseout, posibleng magresulta ito ng mas malalang “road congestion” o pagsisikip sa mga lansangan at polusyon.


Isa pa sa pinakamalaking usapin dito ay kung kaya ba ng mga operator at driver na makasabay sa nasabing programa. May sapat bang tulong o subsidiya mula sa gobyerno?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page