Gobyerno, tugunan ang kahirapan para walang magbuwis-buhay
- BULGAR

- 14 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | April 11, 2026

Nagbabala ang Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) sa publiko laban sa ilegal na pagbebenta ng lamang loob, lalo na sa mga taong gipit sa pera. Ayon sa ahensya, delikado ito at bahagi ng human trafficking.
Sa totoo lang, kaya may pumapatol dito ay dahil sa kahirapan. Kapag desperado ang tao, kahit kalusugan at buhay, naisusugal kapalit ng pera. Pero hindi ito solusyon—maaari itong magdulot ng malubhang kumplikasyon at pagsasamantala ng mga sindikato.
Hindi sapat ang babala lang. Dapat ding tugunan ng pamahalaan ang ugat ng problema—kakulangan sa trabaho at kabuhayan. Hangga’t may nagugutom, may matutuksong pumasok sa ganitong gawain.
Kaya malinaw ang punto: huwag magbenta ng lamang loob. Hindi ito ligtas, hindi ito legal, at hindi nito lulutasin ang kahirapan.


Comments