top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gobyerno taumbayan, maghanda na bago dumating ang bagyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 28, 2024


Mahaba-habang panahon pa tayong maglalapot sa pawis dahil sa init ng panahon.


Kung saan, ayon sa Department of Science and Technology (DOST), hanggang sa Agosto pa ang epekto ng El Niño sa bansa.


Mayroong 48 lalawigan ang maaapektuhan ng tagtuyot, 24 dry spell, subalit pagsapit ng Mayo ay magiging 54 lalawigan ang maaapektuhan ng tagtuyot at 10 dry spell.


Samantala, taun-taon ay mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa ngunit ngayon ay tinatayang nasa 13 hanggang 16 na lamang, mas maliit kumpara sa bilang na nararanasan ng bansa.


Ito umano ay dahil sa pag-init ng temperatura ng karagatan malapit sa atin kaya malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbuo ng tropical cyclone o bagyo partikular sa huling quarter ng taon.


Bukod pa rito, asahan din umano na may mararanasan tayong mapaminsalang bagyo. Ang tanong na kailangang masagot, handa na ba ang lahat sa mga paparating na kalamidad gaya ng bagyo?


Sa ganitong uri ng kalamidad, marami ang namamatay at malaking pinsala ang iniiwan dahil marami ang hindi nakakapaghanda.


Ang isa pa sa nagiging problema ay saka lamang nagpaplano ang gobyerno kung kailan papalapit na ang bagyo. Bilang resulta, marami tuloy ang napapahamak at namamatay.


Dahil dito ay inaabisuhan na ang lahat na mag-ingat at maghanda na habang maaga pa sa mga paparating na bagyo.


Panawagan din sa kinauukulan na maging alerto at ‘wag patulog-tulog sa panahon ng bagyo. Mahaba pa ang oras para maghanda at huwag lang umasa sa gobyerno dahil hindi lahat ay kayang iligtas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page