top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gobyerno, nakikipag-ugnayan na sa ibang bansa para sa mga bihag na Pinoy sa Red Sea — DMW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
1 min read

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 27, 2023




Ipinaalam ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes na nakikipag-ugnayan ang 'Pinas sa mga dayuhang pamahalaan upang masiguro ang kalayaan ng 17 bihag na Pinoy seafarers na kasama sa barkong sinalakay ng rebeldeng grupong Houthi sa Red Sea.


Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, meron nang koordinasyon ang bansa sa iba't ibang pamahalaan na masisiguro ang ligtas na pagpapauwi sa mga tripulante sa Galaxy Leader at kasalukuyan ding maselan ang sitwasyon.


Kinumpirma naman nu'ng Biyernes ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maayos ang kalagayan ng 17 bihag at wala namang balak ang Houthi na saktan ang mga ito.


Binigyang diin naman ni ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na may mga naunang insidenteng nadakip ang mga Pinoy seafarers at dinala sa Yemen at pinakawalan din kalaunan.


Dagdag niya, hindi aalis ang Houthi rebels sa nasabing barkong pag-aari ng Israel hanggang hindi humihinto ang Israel sa pag-atake sa Gaza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page