top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gobyerno, kailangang magdoble-kayod para dumami ang magpabakuna kontra COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2021
  • 1 min read

@Editorial | February 16, 2021



Bagama’t wala pang eksaktong petsa ng dating ng bakuna kontra COVID-19, dapat sa panahong ito ay plantsado na ang lahat.


Mula sa pagbiyahe, storage hanggang sa mismong pamamahagi ng vaccine.

Handa na dapat ang listahan ng mga tuturukan at tulad ng paalala, magkaroon ng backup para sakaling may hindi makapunta o ‘di puwedeng maturukan ay may papalit at nang hindi masayang ang bakuna.


Samantala, may mga natatanggap din umanong ulat ang gobyerno tungkol sa pangamba na baka mauwi sa naging aberya ng Social Amelioration Program (SAP) ang pagtuturok ng bakuna. Sa palagay natin ay medyo maiiwasan naman ang gulo dahil ang vaccination ay pre-registration, may appointment system. Hindi ka puwedeng basta turukan dahil may mga prosesong pagdaraanan.


At ito ay inaasahang pangungunahan ng mga barangay health workers, partikular ang pag-screen sa lahat ng submission para masigurong pasok sa kuwalipikasyon at priority list ang mga mababakunahan. Mula sa kanila, ipadadala naman ang listahan sa city health office para sa panibagong validation.


Marahil ang talagang magiging problema ay ang mababang bilang ng mga gustong magpabakuna.


Halimbawa sa Metro Manila, lumalabas sa mga survey na tatlo sa sampu katao lang ang gustong magpaturok kontra COVID-19. Ito umano ang epekto ng mga nababasang negatibo tungkol sa bakuna sa social media at pati sa mga tsismisan.


Talagang malaking hamon sa ating mga opisyal kung paano makukuha ang tiwala ng publiko. Kailangan pa ng mas matinding pagpapaliwanag at paglaban sa fake news.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page