top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Gobyerno, galaw-galaw vs. talamak sa bentahan ng e-wallet account

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
1 min read

@Editorial | June 08, 2023



Lantaran ang pagbebenta ng e-wallet accounts lalo na online.


Kapag nag-search sa social media, tiyak na may makikita rito na nagpo-post at may mga bumibili na para bang normal lang.


Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na babala ng kinauukulan na ilegal ang pagbebenta ng e-wallet, na pag-aari ng ibang tao.


Una nang natuklasan na itong mga for sale na e-wallets ay ginagamit sa scam. Dahil sa hindi pag-aari ng scammers ang account, walang pagkakataon na matukoy ang kanilang identity.


Kaya nanawagan na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) na higpitan ang mga requirements sa e-wallet.


Masasabing dahil na rin sa mahigpit na ipinatutupad na Bank Secrecy Law ay sinasamantala ito ng mga sindikato para sa e-wallet itago ang mga pera na kanilang nakukulimbat.


Pakiusap sa mga netizens, kapag may nakikitang bentahan ng e-wallet, agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad. Ito ay pagmamalasakit na rin sa mga posibleng mabiktima ng mga scammer.


Talamak na ang ilegal na gawain gamit ang teknolohiya, dapat nang tuldukan bago pa mas lumala.


Kasabay ng paghihigpit sa pagkakaroon ng e-wallet, mas pabigatin din ang parusang ipapataw sa mga masasangkot sa pagbebenta at pagbili nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page