Gobyerno, galaw-galaw sa mga krimeng nangyayari sa ‘Pinas
@Editorial | June 16, 2023
Nagkalat na ang mga halang ang kaluluwa, kahit tayo man ay nasa loob ng ating bahay, hindi tayo nakasisiguro na ligtas na tayo.
Sa Caloocan City, nasawi ang tatlo katao habang sugatan ang 17-anyos matapos na pasukin ng apat na lalaki ang kanilang bahay at sila ay pagbabarilin.
Sino man sa atin ay hindi maiisip na gagawan tayo ng masama sa mismong tahanan dahil ito ang lugar kung saan tayo ay ligtas, dapat!
Ngunit iba na ang dating ng mga kriminal ngayon, mas lumalakas na ang kanilang loob sa paggawa ng mga kalokohan.
Kung mas paiigtingin ang peace and order sa bansa, tiyak na mababawasan ang krimen.
Patawan ng mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling papatay, mang-aabuso at magnanakaw.
Higpitan din sana ang pagpapatrolya kada barangay at magpakalat ng mga kapulisan, at huwag patulug-tulog lang sa pansitan.
Panawagan naman sa gobyerno, gumawa ng aksyon upang malabanan ang kriminalidad sa bansa dahil hindi biro ang bilang ng mga krimen na nangyayari araw-araw at palala nang palala.



Comments