Gobyerno at pribadong sektor, dapat joint forces vs. water shortage
@Editorial | March 28, 2023
Tubig!!! Sigaw ng mga residenteng apektado ng water interruption sa gitna ng mainit na panahon.
Una nang inabisuhan ang ilang konsyumer na maaaring mawalan ng supply ng tubig kasabay pa ng bantang El Niño.
Kapag pumasok na ang ganitong panahon, inaasahang kaunti na ang mga pag-ulan na magaganap na makaka-replenish sa mga dams kaya nagpapatupad na ng mga pressure management o off peak service interruptions or daily service interruptions.
Kaugnay nito, kani-kanyang diskarte ang mga konsyumer kung paano masasabayan ang kawalan ng tubig.
Gayunman, hirap pa rin, lalo na ang mga may negosyo na ang pangunahing kailangan para makapag-operate ay tubig. Kapag hindi kinaya, lugi ang negosyo.
Sa ngayon, ang panawagan sa publiko ay magtipid sa tubig bagama’t ang apela naman ng mamamayan sa gobyerno at supplier ng tubig, gawan ng paraan kung paano mas magiging magaan ang pagharap sa sitwasyon o sa tuwing may kakapusan sa supply ng tubig.



Comments