top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gobyerno, agapan ang marahas at maruming halalan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 30, 2023


Umarangkada na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Kasabay nito, tila nagsimula na rin ang sinasabing mas mainit na yugto ng halalan. Nagkakaalaman na kung sino ang magkakapartido at magkakalaban, labasan na naman ng ‘kulay’.


Ang nakababahala, may dugo nang dumanak na posible umanong mayroong kaugnayan sa eleksyon.


Ilang oras matapos maghain ng kanyang COC, pinatay ang isang punong barangay sa Libon, Albay. Bago ito, isang kagawad at kanyang asawa ang napatay din sa naturang bayan.


Tuwing halalan hindi na talaga nawawala ang patayan bagay na nakapanlulumo. Para bang literal na buhay na ang puhunan kapag papasok sa mundo ng pulitika.


Sana, matigil na ang ganitong senaryo. Tigilan na ang karahasan at maruming tunggalian.


Napakahalaga ng barangay, ito ang masasabing ugat ng pag-unlad o pagbagsak ng isang bayan.


Kung palpak ang mga namumuno, ligaw ang taumbayan, walang maayos na direksyon.


Panawagan sa gobyerno, mas paigtingin ang seguridad sa mga panahong ito. Huwag nating hayaan na manaig ang pera at kapangyarihan na nagpapagulo sa halalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page