top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Go Negosyo, may ‘Bakuna Tiktok Dance Challenge’, mamimigay ng 2-milyong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2021
  • 2 min read

dagdag-puhunan sa mga bakunadong negosyante.


ni Fely Ng - @Bulgarific | July 05, 2021




Hello, Bulgarians! Kamakailan ang Go Negosyo sa pamumuno ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ay inaanyayaan ang mga bakunadong negosyante na sumali sa programa nitong ‘Flex Your Bakuna Card Tiktok Dance Challenge’, na magsisimula ngayong Lunes, Hulyo 5. Sampung masuwerteng negosyante ang mananalo ng P5,000 na pipiliin habang umeere ang Mentor Me Online featuring Let’s Go Bakuna ng Go Negosyo, live sa Facebook Page nito tuwing 6PM, hosted by Betong Sumaya at Love Anover. Ang dance challenge ay isa lang sa marami pang inisyatibo ng pribadong sektor upang hikayatin ang mga Filipino, lalo na ang ating mga negosyante, na dinggin ang panawagang magpabakuna na.


“We have been always trying our best. For the private sector, I’am glad that many of you have purchased these vaccines for your employees and of our frontliners. Moving forward, this is where the real war begins and ends. We can win it if we execute well all the way from purchase to actual vaccination, and if we can convince all our employees and our citizens to take the vaccine. Winning the war, we can then open the economy, then we can save lives. This is the solution of saving both lives and livelihoods and nothing else, the vaccine is the solution,” diin ni Concepcion.


Para sa mechanics ng Go Negosyo ‘Flex Your Bakuna Card Tiktok Dance Challenge’, kailangang may Tiktok ang mga interesadong negosyante kung saan kanilang ia-upload dito ang kanilang dance video, habang ipinapakita ang kanilang COVID-19 bakuna card, gamit ang “Let’s Go Bakuna” jingle (https://bit.ly/LetsGoBakunaTiktok).


Pagkatapos i-upload ang kanilang Tiktok dance video, kailangang i-post ng mga kalahok sa kanilang Facebook page ang kanilang Tiktok dance video, at i-tag ang Go Negosyo’s official Facebook page. Kailangan ding mag-tag ng sampung Facebook friends sa kanilang post gamit ang mga hashtag na #letsgobakunadance at #gonegosyo. Pinaaalalahanan na gawing public ang post upang makita ng lahat.


Pinaaalalahanan din ang mga kalahok na manood at magtune-in tuwing gabi sa Mentor Me Online show sa Facebook upang maging updated kung isa sila sa sampung masusuwerteng mananalo ng P5,000 pandagdag-puhunan na ipamimigay tuwing gabi.


Ang ‘Flex Your Bakuna Card Tiktok Dance Challenge’ ay ang new and improved version ng kamakailang ‘Flex Your Bakuna Card Selfie.’


Ang mga inisyatibong ito ay kontribusyon ng Go Negosyo upang mas hikayatin pa ang mga Pinoy magpakuna na laban sa COVID-19. Sa pagpapabakuna, makakamit ng bansa ang population protection at herd immunity na siyang magiging simula ng pagbangon ng ekonomiya at ng mga negosyo sa bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page