top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Go Negosyo, DTI nagpulong tungkol sa MSMe partnerships

BULGAR
Jul 14, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 14, 2022



Hello, Bulgarians! Sa courtesy call kamakailan ni Go Negosyo founder Joey Concepcion kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ay tinalakay ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa DTI at mga plano upang higit pang isulong ang pag-unlad ng MSMEs. Si Concepcion ay nagsisilbi ring Vice-Chair ng Micro, Small and Medium Enterprises Development Council.


Napag-usapan ang papel ng “digital transformation” bilang tagapagtaguyod para sa mga MSMEs, gayundin ang digital alliance na itinatag ng Go Negosyo noong 2019 at paano nito matuturuan ang MSMEs na gumamit ng mga pamamaraang digital sa pagnenegosyo.


Kasama rin sa agenda ang pagpapatuloy ng ASEAN Mentorship for Entrepreneurship Network (AMEN) Project, na kamakailan ay ginawaran ng US$333,943 grant mula sa Japan-ASEAN Integration Fund. Ito ay bahagi ng legacy project ng ASEAN Business Advisory Council–Philippines, kung saan ang maliliit na negosyante ay tuturuang magnegosyo sa ibang bansa sa ASEAN at mapaparami pa ang mga maaaring maging mentor sa buong rehiyon. “Ito ay mahusay na hakbang para sa mentorship advocacy na sinimulan ng Go Negosyo,” ani Concepcion.


Ibinahagi rin ni Concepcion kay Sec. Pascual ang mga hakbangin ng Go Negosyo noong pandemya na naglalayong panatilihing bukas ang ekonomiya at tulungan ang mga MSME na makabangon. Sinabi ni Sec. Pascual ang kanyang pagnanais na makita at matiyak na, sa kanyang termino, mas maraming MSMEs ang lalago mula sa micro hanggang small, mula sa small hanggang medium at sa kalaunan, magiging large enterprises.


"Ang kalusugan at kapakanan ng ating mga MSME ay mahalaga sa pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya," sabi ni Concepcion. "Mga MSMEs ang higit sa 99 porsyento ng mga negosyo sa bansa," aniya. "Sa kanila nakasalalay ang trabaho ng 62.5 porsiyento ng mga Pilipino," aniya.


Dati nang kaagapay ang DTI sa mga programa ng Go Negosyo. Pangunahin sa mga ito ang Kapatid Mentor Me (KMME), na gumabay sa mahigit na 11,000 negosyante sa buong bansa mula noong 2016. Kahit noong pandemya ay nagpatuloy ang mga mentoring program nito gamit ang online at social media.


Ang mga mentoring program ng Go Negosyo ay para sa mga aktibong negosyante na nagnanais na palaguin ang kanilang negosyo at sa mga aspiring entrepreneur na gustong magnegosyo. Tumutulong ang Go Negosyo sa pagtataguyod ng entrepreneurship sa mga Pilipino sa pamamagitan ng tatlong haligi na kinakailangan ng negosyante upang magtagumpay: pera, pamilihan at paggabay.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page