top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

GMA News reporter na mister ni MJ Marfori… OSCAR OIDA, NAG-50-50 DAHIL SA LEPTOSPIROSIS, NAGPAALALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 1, 2026



TALKIES - OSCAR OIDA, NAG-50-50 DAHIL SA LEPTOSPIROSIS, NAGPAALALA-IG _oscaroida

Photo: IG _oscaroida



Dahil sa patuloy na pagbaha, muling nagpaalala ang GMA News reporter na si Oscar Oida tungkol sa panganib ng leptospirosis, isang sakit na kanyang naranasan noong 2022.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Oscar ang isang larawan kasama ang kanyang misis na si MJ Marfori, isang entertainment journalist ng TV5. Makikita rin dito ang larawan niya habang nasa ICU (Intensive Care Unit) noong ginagamot dahil sa leptospirosis. 


Ayon kay Oscar, sampung araw siyang nanatili roon at literal na nakipaglaban para sa kanyang buhay.


“Akala ko talaga, that was the end of me. I spent ten days in the ICU (2022), literally fighting for my life after I got leptospirosis. There were moments na hindi ko na alam kung makakauwi pa ba ako, or kung mabibigyan pa ako ng chance na makasama ulit ang mga taong mahal ko,” aniya.


Nagpasalamat naman siya sa mga taong naging sandigan niya sa kanyang laban, kabilang ang kanyang asawang si MJ at ang kanilang anak na si Aerin.


Ani Oscar, “But thankfully, mas matindi ang mga kasama ko sa laban: si Lord, si @mjmarfori, and the thought that I still wanted to have more time with Aerin.

“Maybe that’s why ngayon, I can’t help but feel sad and worried whenever I see people wading through floodwater, especially kids na parang swimming pool lang ang tingin sa baha.


“Kaya please, kung ‘di naman absolutely necessary, ‘wag na tayong lumusong. ‘Di kailangang maging matter of life and death bago natin piliing mag-ingat.”


Nagbigay din siya ng paalala sa publiko na huwag maliitin ang panganib ng leptospirosis.


“‘Di ka si Superman. And trust me, leptospirosis is no joke. I learned that the hard way. Sometimes, choosing to stay safe doesn’t make you a coward. It’s simply choosing to live, to go home, to see the people you love, and to have another day with them,” dagdag ni Oscar.

Oh, guys, sana naman ay may matutunan tayo sa kuwento ng buhay ni Oscar. ‘Ika nga, “Better safe than sorry.” Mas mabuting mag-ingat kaysa magsisi sa huli. 

Pak, ganern!





MASAYANG ibinahagi ng komedyana-vlogger na si Melai Cantiveros ang isang espesyal na milestone ng kanyang bunsong anak na si Stela, ang pagtanggap nito ng First Communion.


Ayon kay Melai, matagal nang pangarap ni Stela na makapag-communion tuwing dumadalo sila sa Banal na Misa. Kaya naman, hindi nito maitago ang excitement nang tuluyang matupad ang kanyang inaasam.


Ani Melai, “Stela’s First Communion is a dream come true. Thank you, Jesus Christ, for today that Stela is entering her era of the Holy Eucharist.


“Sobra ka-excited gyud (talaga) s’ya kay matagal na n’yang pangarap ‘yan. Every Mass, pangarap na niyang makapag-communion, and officially, makaka-communion na s’ya every Mass starting today, August 30, 2026. Yehey!”


Nagpasalamat din si Melai kay Fr. Efren Diaz sa patuloy nitong paggabay at pagdalo sa mahalagang bahagi ng buhay-ispiritwal ni Stela.


Mas naging espesyal din ang okasyon dahil kasabay ni Stela sa pagtanggap ng First Communion ang kanyang mga pinsan na sina Mark Andrei at Martha.

“We love you, Jesus,” dagdag ni Melai.


Amen to that, Melai! So happy for you, Stela.





Biyenang si Dina, ‘di nakatiis, ang shupal daw…

MARC, NAGPAUTANG, NAISAHAN



“ANG shupal (kapal)!” ito ang naging pahayag ng aktres na si Dina Bonnevie sa kanyang YouTube (YT) channel na House of D (HOD).


Sa panayam, napag-usapan nina Dina Bonnevie, Marc Pingris, Oyo Sotto, Danica Sotto, at Kristine Hermosa ang tungkol sa pagpapautang at sa mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon.


Kuwento ni Marc, “Ang pangit lang du’n kasi minsan, ‘pag pinautang mo na, ‘di mo alam na ‘yung paalam nila, ‘di pala nila ru’n gagamitin.


“Sabi ko, ‘di ka na makakaulit sa akin. May nagpaalam sa akin na mag-iibang bansa para makapaghanapbuhay. Ganu’n, tutulungan ko ‘yan, mapa-passport man ‘yan o mga tickets nila.


“‘Di ko alam na ‘di pala s’ya natuloy o ‘di pala n’ya ginawa.”

Tinanong ni Dina, “‘Di ka n’ya binayaran?”

Sagot ni Marc, “‘Di na binayaran.”

Dito napasabi si Dina ng “Ang shupal (kapal)!”


Dagdag ni Marc, nang muli itong manghiram sa kanya, sinabi niya, “Ay, no. ‘Di na. Iba na, iba. Ayoko na.”


Samantala, ang anak naman ni Bossing Vic Sotto na si Oyo Sotto ay nagsabing ayaw niyang marinig ang salitang ‘utang’ dahil para sa kanya, magkaiba ang dating ng salitang ‘hiram’ at ‘utang’.


Ani Oyo, “Ayoko kasi ‘yung word na ‘utang.’ Parang iba kasi ‘yung ‘hiram’ sa ‘utang’. Ayokong naririnig ‘yung salita na ‘Pautang naman.’”


Well, sana all na lang, may sapat na salapi para hindi na kailangang manghiram, ‘di ba naman, madlang people?

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page