Giyera sa Sudan, 2K patay, 2.5M lumikas

ni Mabel G. Vieron | June 23, 2023

Mahigit 2.5 milyon katao ang napilitang lumikas dahil sa patuloy na kaguluhan sa Sudan.
Batay sa State Department ng United States States, mula nang magsimula ang kaguluhan noong Abril 15, 2023 mahigit dalawang libo katao na umano ang namatay.
Karamihan umano sa mga namatay ay mula sa siyudad ng El Geneina.
Ayon sa report ng US State Department, maraming mga Sudanese ang patuloy na lumilikas, at sinasamantala ang mga pagkakataon na walang naririnig na palitan ng putok.





Comments