top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Girls U18 babawi vs. Indons nang itaob ng Japan sa AVC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | July 3, 2026



Si Sharina Lleses sa isang mainit na aksiyon sa AVC Cup U18 na pakay makabawi sa Indonesia makaraang mabigo sa Japan sa labang ito sa Thailand.

 

Photo: Si Sharina Lleses sa isang mainit na aksiyon sa AVC Cup U18 na pakay makabawi sa Indonesia makaraang mabigo sa Japan sa labang ito sa Thailand.

 

Kinakailangang makabawi ng Pilipinas sa darating na laban kontra Indonesia matapos pataubin ng Japan sa bisa ng straight sets sa 20-25, 17-25, 24-26, kahapon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Girls’ U18 Championships sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.


Nahirapang masabayan ng Under-18 national squad ang fast-paced na laro ng Japan, kaya’t bumagsak ito sa 1-1 kartada, na kakaharapin sa ‘must-win game’ ang Indonesia ngayong araw ng 4 p.m., na kasalukuyang hinaharap naman ang Iran (0-1) sa Pool C.


Sinubukang makipagsabayan sa third set ng Alas Pilipinas Girls, ngunit kinapos sa huling bahagi sa pangunguna ni Sharina Rhayza Lleses na tumapos ng 15 points  na sinundan ni Ma. Ellanie Lorraine Gonzalvo sa 10 marka sa lahat ng atake.  “Japan is always hard to beat and to be able to play against them is an opportunity. Our players are not used to against a fast-paced team such as Japan,” pahayag ni team manager Carmela Gamboa. 


Aminado si head coach Ray Karl Dimaculangan na hindi nagawang magamit ng Alas Girls ang mga dumarating na oportunidad sa kanila sa laro, na kinakailangang magamit nila laban sa Indonesia upang manatiling buhay ang tsansa sa semifinals.

 

Sumuporta rin para sa koponan si Ysabelle Patricia Cruz sa 7 puntos mula sa 4 na atake, 2 blocks at ace na parte ng bronze medal winner sa Princess Cup, habang nanguna para sa Team Japan si Rio Nishimura sa 16 points.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page