Ginagamit para mapanood ang EB!... FB PAGE NI PAOLO, IPINAHIHINTO NA RIN
ni Ambet Nabus @Let's See | June 24, 2023

Dahil nga sa laging nare-report ang FB page ng bagong Eat… Bulaga!, hindi naman nagpapatalo ang mga hosts nito.
This time nga ay ang personal FB page ni Yorme Isko Moreno ang ginagamit ng show para makakunok at mapanood sila sa social media world.
The last time we heard, nagkaroon ng mass reporting ang mga netizens kontra FB accounts ni Paolo Contis at ng iba pang kasamahan nila sa show na gumamit ng personal FB accounts nila.
Isyu sa intellectual property ang inirarason ng mga nagre-report para ipahinto ito ng FB.
Kung hanggang kailan at saan hahantong ang mga ganitong ganap, malalaman natin soon!





Comments