Gin Kings, swak na sa Semis
- BULGAR
- Mar 20, 2022
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | March 20, 2022

Napatalsik ng defending champion Barangay Ginebra San Miguel ang No.3 seed na TNT Tropang Giga sa quarterfinals kahapon sa bisa ng 115-95 panalo matapos ang mainit na second half upang dumiretso sa semifinals sa 2021 Honda PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Bumira ng husto sina import Justine Brownlee, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng magtulong ang mga ito sa pagbuhat sa koponan ng irehistro ang 29pts at 18 rebounds para silatin ang Tropang Giga at makaulit sa 104- 92 nung Miyerkules. Malaki ang naging kontribusyon ni Tenorio na nagbigay ng 22pts, 6 rebs at 6 assists at Scottie Thompson na halos nakakuha ng triple doubles sa 17 pts, 10rebs at 9 assists, habang may na-ambag na 10pts si Christian Standhardinger.
Nakatakdang kaharapin ng Gin Kings ang magwawagi sa pagitan ng Alaska Aces at NLEX Road Warriors, habang magtatapat na semifinals ang Meralco Bolts at top seed Magnolia Pambansang Manok Hotshots.
Buhat ng magtabla sa 38-all sa 5:27 ng second quarter at makuha bentahe sa pagtatapos ng first quarter sa 25-29 ng TNT, bumirada na ng husto sina Aguilar, Thompson, Tenorioat Brownlee para tuluyang kunin ang kalamangan sa 59-48 sa pagtatapos ng first half.
Hindi na tinantanan ng Gin Kings ang momentum na nakuha sa first half para ituloy ang malupit na atake sa third canto ng itarak nila ang biggest lead sa 23-puntos sa jump shot ni Tenorio sa 7:06 ng laro sa 75-52. Pinilit pang natapyas ang lamang sa 14-puntos sa 4:47 sa 79-65, ngunit patuloy sa pagratsada ang Gin Kings ng kunin ang 96-74 lead mula sa pagbanat muli nina Aguilar, Standhardhinger, Thompson at Tenorio.
Hanggang sa 14-puntos na kalamangan na lang ang pilit naibaba ng TNT sa fourth quarter sa pagsisimula nito, subalit hindi mapigilan ang magandang pasahan ng Gin Kings na naglista ng 31 assists at dominanteng 55rebs sa laro kumpara sa 36 lamang ng Tropang Giga.





Comments